Tuesday, December 14, 2010

HIRAM NA SANDALI

konting panahon lang pero ayos na
sa piling mo iba ang nararamdamang saya
kahit pa saglit lang ika'y makasama
kahit papano'y naging maligaya

sikapin man nating buoin
pero ganun na tadhana sa atin
kaya dapat huwag sayangin
oras na tayo'y magkapiling

alam natin saan patutungo
ang relasyon ating binuo
sana kahit ganito
tapat pa rin ang pag ibig mo

No comments:

Post a Comment